Malacañang, siniguro ang kaligtasan ng publiko sa Pista ng Itim na Nazareno

By Rhommel Balasbas January 07, 2018 - 04:59 AM

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang ang kaligtasan ng inaasahang milyun-milyong debotong dadalo sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ngayong taon.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang panayam na magtutulungan ang mga sangay ng pamahalaang lokal, militar at pulisya upang mapanatili ang peace and order sa taunang religious event.

Ayon kay Andanar, sa ilang taong ginagawa ang Traslacion sa Maynila ay sanay na sanay na ang pwersa ng pulisya at mga opisyal ng baranggay sa paghawak dito.

Dahil sa kasiguruhan na magiging maayos ang seguridad ng kapistahan ay wala anyang gagawin ang mga deboto kung hindi magdasal at taimtim na obserbahan ang okasyon.

Nauna na ring sinabi ni Palace Spokesman Harry Roque na wala namang seryosong banta sa seguridad ang binabantayan sa ngayon.

Bago simulan ang Traslacion o prusisyon ng imahe mula Quirino Grandstand sa Luneta hanggang Quiapo Church ay isang misa ang gaganapin ganap na ika-12 ng hating gabi sa January 9.

Pangungunahan ito nina Rev. Msgr. Hernando Coronel, Rector at Parish Priest ng Quiapo Church at ng kanyang Kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle, D.D., Arsobispo ng Maynila na siyang magbibigay ng homiliya.

TAGS: Palace assures safety of Traslacion 2018, Traslacion 2018, Palace assures safety of Traslacion 2018, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.