Isang opisyal ng pamahalaan patay sa banggaan sa Surigao del Norte
Patay ang isang kawani ng pamahalaan matapos maaksidente at bumangga ang minamanehong kotse sa isang truck sa Barangay Boyongan sa Placer, Surigao del Norte.
Kinilala ang biktimang si Gleen Echin na isang manager ng Surigao City National Food Authority (NFA).
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, byaheng Tubod ang truck habang pauwi naman ng Surigao City si Echin nang magsalpukan ang dalawa.
Ayon sa driver ng truck na si Jessie Casas, biglang lumiko sa kanyang linya ang puting AUV na minamaneho ni Echin. Aniya, sinubukan niyang iwasan ang sasakyan sa pamamagitan ng pagkabig nito sa gilid ng kalsada ngunit nagpatuloy pa rin sa pagderetso ang AUV, dahilan para bumangga ito sa gilid ng truck.
Dead on arrival sa ospital si Echin.
Hawak naman ng Placer Police si Casas at mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.