N. Korea, lalahok sa Pyeongchang Winter Olympic Games sa S. Korea

By Rhommel Balasbas January 07, 2018 - 04:19 AM

Inihayag ng kinatawan ng North Korea sa International Olympic Committee (IOC) na nais ng bansa na magpadala ng mga delegado para sa magaganap na Pyeongchang Winter Olympic Games sa South Korea.

Ayon sa Kyodo News Agency ng Japan, sinabi ni North Korean IOC member Chang Ung na nakatakdang isali ng NoKor ang figure skating pair para lumahok sa kompetisyon.

Nauna na ngang sinabi ni NoKor leader Kim Jong Un sa kanyang New Year’s Day message na ikinukonsidera niya ang pagpapadala ng delegasyon sa Winter Olympics.

Pinagtibay pa ito ng ianunsyo ng North Korea Foreign Ministry na magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan nila at ng South Korea sa border village ng Panmunjom at isa sa mga magiging usapin ay ang Olympics.

Magaganap ang Winter Olympics sa susunod na buwan.

TAGS: North Korea to Participate in2018 Pyeongchang Winter Olympics, North Korea to Participate in2018 Pyeongchang Winter Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.