Haharangin ng Makabayan bloc sa Korte Suprema sa susunod na linggo ang pagpapatupad ng reporma sa buwis.
Ayon kay ACT Teachers Paty-list Representative Antonio Tinio, pinaghahandaan na nila ang kwestyunin ang procedural at substantive issues sa petisyon.
Aniya, ilan sa mga ito ay ang invalid umanong ratification o pagpasa sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Paliwanag ni Tinio, hindi umabot sa quorum ng mga mambabatas nang isinasagawa ang bicameral deliberations.
Dagdag ni Tinio, pumapabor sa mayayaman ang batas at nasasakripisyo ang mga mahihirap na mamamayan.
Ihahain ng Makacayan bloc ang petisyon sa Korte Suprema sa susunod na linggo.
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TRAIN Law noong December 19. Sa ilalim nito, hindi na kakaltasan ng income tax ang mga sumasahod ng P250,000 kada taon. Dinagdagan naman ang excise tax sa produktong petrolyo, at iba pa.