2 angkan nagbarilan sa Lanao Del Sur

By Den Macaranas January 06, 2018 - 05:42 PM

Photo: Col. Romeo Brawner

Sugatan ang apat katao makaraang magbarilan ang ilang mga kalalakihan sa bayan ng Bacolod Kalawi sa Lanao Del Sur.

Sa ulat na natanggap ng Camp Aguinaldo mula sa Joint Task Force Ranao, nagpang-abot ang mga armadong tauhan ng angkan ng mga Dipatuan at Amanodin sa Barangay Gandamato.

Sinabi ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na napilitan ang mga otoridad na isara ang national road sa Barangay Gandamato dahil sa tindi ng barilan sa magkabilang panig na naganap kahapon ng hapon.

Apat ang sugatan sa kampo ng mga Amanodin at napilitan rin umanong magpaputok ng kanilang baril ang mga rumespondeng sundalo ng 65th Infantry Battalion para lamang mapatigil sa palitan ng mga putok ang dalawang angkan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, lumilitaw na rido o gantihan sa magkabilang panig ang naging ugat ng barilan.

Napilitan na ring pumagitna ang ilang mga Ulama o Muslim leaders sa lugar para hindi na maulit ang naganap na barilan.

Matapos ang barilan ay narekober ng mga otoridad ang ilang mga armas at bala na kinabibilangan ng dalawang M-14 rifles, isang M-16 rifle at Cal. 22 na baril.

Nagpakalat naman ng mga tauhan ng PNP at AFP sa lugar para arestuhin ang mga sangkot sa barilan.

TAGS: amanodin, brawner, Colonel Romeo Brawner, dipatuan, Lanao Del Sur, amanodin, brawner, Colonel Romeo Brawner, dipatuan, Lanao Del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.