11 BIFF members napatay ng militar sa magdamag na labanan sa Maguindanao

By Den Macaranas January 06, 2018 - 01:28 PM

Inquirer file photo

Umakyat na sa 11 na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang patay at marami pang iba ang sugatan sa magdamag na mortar assault ng militar sa kanilang kampo sa Maguindanao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, sinabi ng Tactical Command Post ng 601st Brigade naunang sumalakay ang mga miyembro ng BIFF sa kampo ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Mount Firis sa bayan ng Datu Saudi, Maguindanao.

Gamit ang dalawang Agusta military choppers ay mabilis na rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Air Force.

Nagbigay rin ng suporta ang iba pang tropa ng Philippine Army gamit ang kanilang mga 105 mm Howitzers.

Kaninang madaling araw ay natigil ang bakbakan samantalang inaalam pa ng mga sundalo kung kasama sa mga napatay ang BIFF leader na si Kumander Bungos.

Bukod sa dagdag na mga checkpoints, tumulong na rin ang Phillpine National Police sa paglalagay ng mga chokepoints sa mga ruta na posibleng daanan ng mga tumatakas na BIFF members.

TAGS: AFP, BIFF, Howitzer, mortar, AFP, BIFF, Howitzer, mortar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.