Tapat na pamamahala ipinangako ng bagong pinuno ng DILG
Isang malinis na pamamahala sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinangako ng bagong officer-in-charge sa kagawaran na si Usec. Eduardo Año.
Dahil ilang buwan pa lamang na nagkakapagretiro mula sa kanyang dating posisyon bilang Armed Forces Chief of Staff, mananatili muna si Año sa kanyang acting capacity.
Hinimok rin ng opisyal ang kanyang mga kasamahan sa DILG na maging tapat sa kanilang tungkulin at gawin lamang ang mga tamang panuntunan na nakapaloob sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Nagpahatid rin ng pasasalamat sa pangulo si Año dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Pinalitan ni Año si dating DILG OIC Catalino Cuy na itinalaga naman ng Pangulo bilang bagong pinuno ng Dangerous Drugs Board kapalit ni dating Gen. Dionisio Santiago.
Sina Año at Cuy ay parehong itinalaga sa kani-kanilang mga bagong posisyon noong January 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.