Mga biktima ng illegal recruiter sa New Zealand, dumulog sa NBI
Dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ilan sa 3,000 nabiktima ng online placement agency upang ireklamo ang banyaga at live-in partner na nag-operator nito.
Karamihan sa mga naging biktima ay mula pa sa Angeles City, Pampanga.
Tinuloyang mga suspek na sina Phil Cooper ng New Zealand at ka-live in nitong si Maria Joy Valfriz.
Ayon sa ulat, pinangakuan sila na makapagtrabaho sa New Zealand dahil nangangailangan ng halos 30,000 bilang ng skilled workers ang naturang bansa.
Subalit, mahigit isang taon na ay hindi pa rin sila napapaalis.
Base pa sa isang reklamo, hiningan sila ng P3,500 para sa assesstment fee maliban pa sa ibang requirements na umabot sa halagang P10,000 bawat aplikante.
Sa datos na nakuha ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sina Cooper at Valfriz ay kabilang sa mga may ‘derogatory record’ dahil binigyan na sila ng closure order noong taong 2014, sa certification na inisyu noong Agosto 2015.
Nalaman din na walang job order para sa Kiwi Assessment Training Center sa New Zealand ang inaalok ng dalawa.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa dalawang illegal recruiter.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.