Korean, natagpuang naka-bigti sa loob ng hotel room sa Pasay
By Kabie Aenlle January 06, 2018 - 02:16 AM
Natagpuang patay at nakabigti ang isang Korean national sa loob mismo ng kaniyang hotel room sa Okada Manila sa Pasay City.
Ayon sa Southern Police District, kinilala ang lalaking Korean na si Lee Chang Young.
Hinihinalang nag-suicide o nagpakamatay ang gayuhan sa loob ng Room 933 ng nasabing hotel.
Naiulat ang insidente dalong ala-1:45 ng hapon ng Biyernes.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng mga otoridad ang mga nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.