Ikatlong palapag ng Ayala mall sa Cebu, nasunog

By Kabie Aenlle January 06, 2018 - 12:23 AM

Sen. Richard Gordon’s Twitter account | Philippine Red Cross

(UPDATE) Natupok ng apoy ang ikatlong palapag ng Metro Ayala sa loob ng Ayala Center Cebu sa Cebu Business Park, Biyernes ng gabi.

Nagsimula ang sunog 9:48 ng gabi sa stock room ng toy department ng Metro Ayala na nasa ikatlong palapag na umabot na sa Task Force Alpha ang alarma.

Sa ngayon ay hindi pa nalalaman kung ano ang naging sanhi ng nasabing sunog dahil patuloy pa itong inaapula ng mga bumbero.

Hindi bababa sa 18 truck ng bumbero ang kinailangang rumesponde para sa pag-aapula ng apoy.

Walang suot na gas masks ang mga bumbero kaya hirap ang mga ito na pasukin ang pinaka-pinagmulan ng sunog dahil sa sobrang kapal ng usok.

Sumapit na ang alas-2:00 ng madaling araw ngunit lalo pang tumindi ang sunog.

Ayon kay Cebu Disaster Risk Reduction and Management Council Chief Nagiel Bañacia, mabilis na kumalat ang apoy dahil hindi gumana ang sprinklers sa loob ng mall.

Gayunman, tiniyak naman ng pamunuan ng Metro Ayala na wala namang na-trap sa loob ng mall at nailikas lahat ng mga empleyado at customers.

Kinailangan naman nang gumamit ng mga heavy construction equipment upang mabutas ng mga bumbero ang mga pader ng mall at makontrol na ang sunog.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagtindi ng nagaganap na sunog, kaya nangamba si Bañacia na baka gumuho ang gusali dito.

Dahil dito, inabisuhan niya ang mga bumbero na pansamantala munang mag-retreat.

As of 2:50 ng madaling araw, nasusunog pa rin ang nasabing mall.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.