Ex-Palawan Gov. Joel Reyes, pinalaya na

By Rohanisa Abbas Excerpt: January 05, 2018 - 08:49 PM

INQUIRER FILE

Nakalaya na si dating Palawan governor Joel Reyes matapos katigan ng Court of Appeals (CA) ang kanyang petisyong kumukwestyon sa merit ng pag-uusig sa kanya bilang suspek sa pagpatay sa enviromentalist at mamamahayag na si Gerry Ortega noong 2011.

Ayon sa abogado ni Reyes na si Atty. Demetrio Custodio, pinalaya ang dating gobernador dakong 5:40 ng hapon kanina.

Sinabi ni Custodio na napagdesisyunan ng CA na walang basehan ang pagpapatuloy ng pagdinig dahil sa pagkakamali sa pagsampa ng kaso.

Sa ngayon, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya Ortega dahil hindi pa nakakarating sa kanila ang desisyon ng CA.

Si Ortega ay pinagbabaril ng isang hired gunman noong January 2011. Itinuturo si si Reyes bilang mastermind umano sa krimen.

TAGS: journalist killings, Mamamahayag, Ortega, reyes, journalist killings, Mamamahayag, Ortega, reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.