Pangungunahan ni PGH Departemtn of Pediatrics head Doctor Juliet Aguilar ang panel.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, pag-aaralan ng mga eksperto kung ang pagkamatay o sakit ng mga bata ay may kaugnayan sa naturang bakuna laban sa dengue.
Sinabi ni Domingo na ang kaso ng 14 na bata ay nagmula sa Central Luzon, Southern Luzon at Metro Manila. Apat dito ay nasawi dahil sa dengue, batay sa death certificate ng mga ito. Dahil naman sa ibang sakit sa puso, leukemia at lupus ang pagkamatay ng iba.
Dagdag ni Domingo, nagkasakit ang ilan sa mga bata dalawang linggo hanggang anim na buwan matapos mabakunahan.
Katuwang ng PGH sa pag-aaral na ito ang Department of Health.
Magugunitang kamakailan ay pinagmumulta ng Food and Drug Administration ang Sanofi Pastuer ng P100,000, at sinuspinde ang certificate of product registration nito para sa Dengvaxia.