Pagkamatay ng 14 na bata na naturukan ng Dengvaxia, susuriin ng mga eksperto ng PGH

By Rohanisa Abbas January 05, 2018 - 06:30 PM

Susuriin ng mga eksperto ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagkamatay ng 14 na batang tinurukan ng Dengvaxia sa ilalim ng dengue immunization program ng gobyerno.

Pangungunahan ni PGH Departemtn of Pediatrics head Doctor Juliet Aguilar ang panel.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, pag-aaralan ng mga eksperto kung ang pagkamatay o sakit ng mga bata ay may kaugnayan sa naturang bakuna laban sa dengue.

Sinabi ni Domingo na ang kaso ng 14 na bata ay nagmula sa Central Luzon, Southern Luzon at Metro Manila. Apat dito ay nasawi dahil sa dengue, batay sa death certificate ng mga ito. Dahil naman sa ibang sakit sa puso, leukemia at lupus ang pagkamatay ng iba.

Dagdag ni Domingo, nagkasakit ang ilan sa mga bata dalawang linggo hanggang anim na buwan matapos mabakunahan.

Katuwang ng PGH sa pag-aaral na ito ang Department of Health.

Magugunitang kamakailan ay pinagmumulta ng Food and Drug Administration ang Sanofi Pastuer ng P100,000, at sinuspinde ang certificate of product registration nito para sa Dengvaxia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.