Panukalang term extension lalabanan ng grupong BAYAN

By Jan Escosio January 05, 2018 - 02:59 PM

Isa ang grupong BAYAN sa papalag sa anumang hakbangin na palawigin ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno kasama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bayan Secretary-general Renato Reyes, lumalabas na ang planong baguhin ang Saligang Batas para sa sistemang pederalismona ay layong palawigin ang kapangyarihan ng mga opisyal.

Giit ni Reyes, ito ay para sa pansariling interes at hakbang patungo sa diktaturya.

Sa isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas, halos hawak na ng pangulo ang kapangyarihan ng lehislatura.

Kapag nangyari ito mapapabilis anya ang pagpasa ng lahat ng mga panukala ng super majority sa Kamara.

Dahil dito, umapela ito sa Senado na pag-aralan mabuti ang isinusulong na Charter Change.

TAGS: Administrasyomng Duterte, charter change, Grupong BAYAN, Pederalismo, Rodrigo Duterte, saligang batas, Administrasyomng Duterte, charter change, Grupong BAYAN, Pederalismo, Rodrigo Duterte, saligang batas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.