2 katao pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf sa Basilan

AP File Photo

Pinugutan ng ulo ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang dalawa katao sa liblib na lugar ng Sumisip, Basilan.

Ayon kay Sr. Supt. Nickson Muksan, Basilan Police Director, ‘sketchy’ pa ang impormasyon ng umano’y pagpugot sa dalawang biktima.

Ayon kay Muksan, wala pa silang pagkakakilanlan ng mga biktima na pinugutan sa Sitio Bakahan sa Brgy. Mahatalang.

Naiparating na rin anya sa pulisya ang insidente, pero wala pa silang pangalan ng mga biktima.

Isa umanong mataas na opisyal ng militar sa Basilan ang nagsabi sa kanila na ang isang lalaking biktima ay kamag-anak ng Abu Sayyaf.

 

Read more...