Injunction sa kaso ni Mary Jane Veloso, pinagtibay ng CA

By Marilyn Montaño January 05, 2018 - 11:39 AM

AFP File Photo

Binaligtad ng Court of Appeals ang utos ng mababang Korte na pinapayagan si Mary Jane Veloso, ang Pilipina na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking, na tumestigo laban sa umano’y mga iligal na nagrecruit sa kanya sa pamamagitan ng isang deposition.

Pinagbigyan ng former Eleventh Division ng Court of Appeals ang petisyon ng mga recruiters ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao na baligtarin ang isantabi ang ruling ng Nueva Ecija Regional Trial Court.

Sina Sergio at Lacanilao ay nahaharap sa kasong human trafficking matapos umanong lokohin si Veloso na mag-smuggle o magpuslit ng droga sa Indonesia noong 2010.

Una nang inutos ni Nueva Ecija RTC Branch 88 Judge Anarica Castillo-Reyes sa Philippine Consulate sa Indonesia na kunin ang deposition ni Veloso mula sa kanyang kukungan sa Wirongunan Penitentiary.

Pero argumento ng mga nasasakdal, ang deposition ay lalabag sa kanilang karapatan na direktang komprontahin ang testigo laban sa kanila na naka-garantiya sa ilalim ng Section 14 ng 1987 Constitution.

Pinaburan ng Court of Appeals na dapat ay present si Veloso sa paglilitis ng kaso kung ito ay tetestigo.

 

TAGS: court of appeals, mary jane veloso, court of appeals, mary jane veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.