Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Chairperson ng Dangerous Drugs Board (DDB).
Ito ay sa katauhan ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy.
Nilagdaan ni Pang. Duterte ang appointment paper ni Cuy kahapon, January 4.
Si Cuy ang papalit sa pwestong binakante ni Dionisio Santiago na sinibak sa posisyon matapos batikusin ang mega drug rehabilitation center sa Nueva Ecija.
Samantala, mauupo naman bilang Officer-in-Charge ng DILG si dating Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff Eduardo Año, pero kailangan pa niyang maghintay ng isang taon matapos ang kanyang pagreretiro noong Oktubre 2017.
MOST READ
LATEST STORIES