Dalawang mahistrado, idinagdag ng Court of Appeals para sa kaso ni Junjun Binay
Dalawang mahistrado ang idinagdag ng Court of Appeals (CA) special division na hahawak sa inilabas ng Ombudsman na suspension order ni Makati Mayor Junjun Binay.
Ito ay bunsod ng magkakaibang desisyong inilabas ng tatlong orihinal na mahistrado, na siyang humahawak sa ikalawang suspensyon ni Binay.
Ayon sa panuntunan ng CA, kinakailangang maging unanimous o iisa ang pasya ng tatlong mahistrado.
Nagdagdag lamang ng dalawang mahistrado sakaling magkaroon ng pagkakaiba sa mga opinyon at desisyon na orihinal na komposisyon ng mga mahistrado.
Ang pagkakaroon ng majority vote ang kailangan upang mapatunayan na may katotohanan ang mga ebidensyang inihain laban sa pangalawang pangulo.
Matatandaang ilang ulit nang nagpalipat lipat sa iba’t ibang mahistrado, ang kaso ni Binay, dahil iba’t ibang rason ang nailalatag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.