Dating MARINA administrator inasahan na ang pagkakatanggal sa trabaho
Inasahan na ni dating Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Amaro III na masisibak siya sa pwesto.
Ito ay dahil October pa lamang aniya ay usap-usapan nang mabilis siyang matatanggal sa trabaho at mapapalitan.
Paliwanag ni Amaro, 19 na mga barko ng malalaking kumpanya ang kanilang pinahinto sa operasyon upang masiguradong maayos ang pamamalakad sa isang barko. At dahil dito aniya, ay marami na ang nagagalit sa kanya.
Bagaman sa balita lamang nalaman ni Amaro ang tungkol sa kanyang pagkakasibak sa pwesto ay hindi naman masama ang kanyang loob sa pangulo. Tanggap niya aniya ang kanyang naging kapalaran.
Ngunit paglilinaw ni Amaro, lahat sa 24 mga biyahe niya sa labas ng bansa noong 2016 at 2017 ay pawang mga business trips. Yun nga lang ay ilan lamang dito ang invitational at karamihan ay naggaling sa pondo ng pamahalaan ang gastos para sa biyahe.
Nanghihinayang si Amaro sa mga nasimulan na niyang proyekto. Kaya naman hiling niya sa papalit sa kanya bilang pinuno ng MARINA, ipagpatuloy ang mga magagandang proyektong sinimulan niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.