Tren ng MRT, tumirik, 800 pasahero pinababa

By Cyrille Cupino January 05, 2018 - 08:53 AM

Courtesy of DOTR

Tumirik ang isang tren ng MRT-3 alas-7:41 ngayong umaga.

Ayon sa advisory ng Department of Transportation, nagbaba ng pasahero ang tren na byaheng northbound sa bahagi ng Shaw Boulevard Station.

Ayon sa DOTR, pumalya ang tren dahil sa electrical failure ng motor nito.

Aabot umano 800 pasahero ang sakay ng nagka-aberyang tren, at sila ay pinasakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang dalawang minuto.

Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT na magsasagawa ng preventive maintenance at papalitan ang electrical components ng kanilang mga tren upang maiwasan na ang mga kahalintulad na aberya.

TAGS: MRT advisory, MRT advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.