Government hospitals sa Maynila, isasailalim sa Code White Alert para sa Traslacion
Ilalagay sa code white alert ng Department of Health ang mga government hospital sa Lungsod ng Maynila kaugnay taunang Traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Health Spokesperson Asec. Lyndon Lee Suy, simula pa lamang sa araw ng Lunes, January 8 ay itataas na nila ang kanilang alerto.
Nangangahulugan ito na kailangang maging handa ang mga ospital at mga health personnel sa anumang mga hindi inaasahang health emergency.
Kabilang sa mga ospital na maaring pagdalhan ng mga masusugatan at mahihilo sa Traslacion ay ang government-run hospitals na San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center bukod pa ang Ospital ng Maynila at
Philippine General Hospital na pingangasiwaan ng University of the Philippines.
Bukod dito, magpapakalat din ng mga ambulansya ang DOH sa mga daraanan ng prusisyon na may kasamang mga nurse at doktor upang umayuda sa mangangailangan ng mga medical attention.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.