NCRPO, handa sa anumang banta sa seguridad sa Traslacion
Wala pang namo-monitor na banta ng terorismo sa nalalapit na Traslacion ng Itim na Nazareno sa January 9.
Gayunman, tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na hindi pa rin sila magiging kampante at magre-relax.
Sinabi rin ni Albayalde na nais nilang maganap ang Traslacion nang walang nangyayaring anumang abala o gulo.
Samantala, tiniyak naman ni Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong na mayroon silang Plan A at Plan B na ipatutupad sa pakikipagtulungan ng PNP sakaling mangyari ang “worse case scenario.”
Ayon kay Badong, sakaling magkaroon ng anumang krisis o disaster, man-made man o natural, ihihinto o ipagpapaliban nila ang Traslacion depende sa tindi ng pinsala o sitwasyong bunsod nito.
Pero ayon kay Badong, sa ilang taong ginagawa ang Traslacion, tumatagal lang ang prusisyon ngunit kailanman ay hindi ito nakansela.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.