Ayon kay Army 10th Infantry Division commander Maj. Gen. Noel Clement, nangangahulugan lang ito na hindi talaga taos-puso ang NPA sa pagsusulong na mawakasan na ang problema ng insurgency sa bansa.
Isang militaman kasi ang nasaktan matapos ang pagpapasabog na naganap sa Compostela Valley na pinaghihinalaang isinagawa ng mga komunistang rebelde.
Ayon sa 10ID, sumabog ang improvised explosive device noong January 2 ng gabi, 15 metro mula sa Colapogon Detachment sa Barangay Maparat.
Nakilala ang militiaman na si CAA Jerick Ceel na nagtamo ng sugat sa noo.
Matatandaang nagpatupad rin ng unilateral ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte upang magkaroon ng mapayapang holiday season ang mga Pilipino kahit pa kinansela na niya ang peace talks sa mga rebelde.