Paglabag ng NPA sa holiday ceasefire, binatikos ng Army

By Kabie Aenlle January 05, 2018 - 04:48 AM

Kinondena ng Philippine Army ang umano’y paglabag ng New People’s Army (NPA) sa kanilang ipinatupad na unilateral holiday ceasefire.

Ayon kay Army 10th Infantry Division commander Maj. Gen. Noel Clement, nangangahulugan lang ito na hindi talaga taos-puso ang NPA sa pagsusulong na mawakasan na ang problema ng insurgency sa bansa.

Isang militaman kasi ang nasaktan matapos ang pagpapasabog na naganap sa Compostela Valley na pinaghihinalaang isinagawa ng mga komunistang rebelde.

Ayon sa 10ID, sumabog ang improvised explosive device noong January 2 ng gabi, 15 metro mula sa Colapogon Detachment sa Barangay Maparat.

Nakilala ang militiaman na si CAA Jerick Ceel na nagtamo ng sugat sa noo.

Matatandaang nagpatupad rin ng unilateral ceasefire si Pangulong Rodrigo Duterte upang magkaroon ng mapayapang holiday season ang mga Pilipino kahit pa kinansela na niya ang peace talks sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.