Dalawang tauhan ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa engkwentro sa mga sundalo sa Baybay City sa Leyte.
Ayon kay Capt. Francis Agno na tagapagsalita ng Army’s 8th Infantry Division, nagkabakbakan ang mga rebelde at ang mga tauhan ng 78th Infantry Battalion na tumagal ng nasa isang oras sa Barangay Hilapnitan sa naturang lungsod, araw ng Huwebes.
Nangyari ito matapos rumesponde ang mga sundalo sa sumbong ng mga residente na may mga komunistang rebelde na lumiligid at nangingikil sa kanilang komunidad.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa panig ng pwersa ng gobyerno.
Narekober mula sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle at isang M653 na rifle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.