Ayon kay San Juan Public Information Officer (PIO) Grace Pardines, bagaman hindi dumalo sa flag-raising ceremony si Gomez ay pumunta naman ito sa mga meeting o pagpupulong na ginanap sa kanyang conference room.
Ani Pardines, alas-3 ng hapon nang umalis mula sa kanyang opisina si Gomez pagkatapos pirmahan ang ilang mga official documents at gampanan ang ilan pang mga tungkulin.
Inilabas ni Pardines ang tungkol sa gawain ng alkalde matapos sabihin ng ni Francis Zamora na kilalang karibal sa pulitika ni Gomez na nagtatago ito mula sa mga notice ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon pa kay Pardines, hindi natatakot si Gomez na harapin ang petisyon laban sa kanya tungkol sa naging resulta ng 2016 elections. Aniya, sadyang hindi lang nagtagpo si Gomez at ang nagdala ng liham mula sa COMELEC dahil simula December 4 ay naka-liban mula sa opisina ang alkalde.