Guia Gomez, balik-trabaho matapos mawala ng isang buwan

By Justinne Punsalang January 05, 2018 - 04:45 AM

Isang buwan matapos hindi magpakita sa mga empleyado at publiko ay balik-trabaho na si San Juan City Mayor Guia Gomez.

Ayon kay San Juan Public Information Officer (PIO) Grace Pardines, bagaman hindi dumalo sa flag-raising ceremony si Gomez ay pumunta naman ito sa mga meeting o pagpupulong na ginanap sa kanyang conference room.

Ani Pardines, alas-3 ng hapon nang umalis mula sa kanyang opisina si Gomez pagkatapos pirmahan ang ilang mga official documents at gampanan ang ilan pang mga tungkulin.

Inilabas ni Pardines ang tungkol sa gawain ng alkalde matapos sabihin ng ni Francis Zamora na kilalang karibal sa pulitika ni Gomez na nagtatago ito mula sa mga notice ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon pa kay Pardines, hindi natatakot si Gomez na harapin ang petisyon laban sa kanya tungkol sa naging resulta ng 2016 elections. Aniya, sadyang hindi lang nagtagpo si Gomez at ang nagdala ng liham mula sa COMELEC dahil simula December 4 ay naka-liban mula sa opisina ang alkalde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.