Ibinalik na ng Bureau of Immigration (BI) ang dati nilang working hours na alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.
Ito’y matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang overtime pay para sa mga empleyado ng ahensya sa pamamagitan ng isang trust fund.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ibabalik na nila ang paniningil ng express lane fees sa paliparan upang masustentuhan ang overtime pay at sweldo ng kanilang mga tauhan.
Nagsimula na sa kanilang main office at maging sa satellite at field offices ang pagbabalik nila sa dating working schedule mula pa noong Miyerkules, January 3.
Ipinag-utos ng pangulo ang pagbuo sa isang trust fund bilang pagkilala sa gampanin ng mga tauhan ng BI sa pagbabantay sa mga ports sa bansa, at maging sa kanilang papel sa kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.