2017 target tax collection, hindi naabot ng Customs

Hindi sapat na nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target na tax collection para sa buwan ng Disyempre para maabot ng kagawaran ang kabuuang target para sa taong 2017.

Para sa buwan ng Disyembre, P44.45 bilyon ang nakolekta ng Customs. Ito ay P3.777 bilyon o 109% na mas malaki sa kanilang inisyal na target.

Ngunit sa kabuuan ay P10.343 bilyon o 2.2% na mas mababa sa target na P467.698 bilyon ang nakolekta ng Customs para sa 2017.

Nangangahulugan ito na 98.5% ang naging revenue performance ng kagawaran.

Sa panunungkulan ni dating BOC Commissioner Isidro Lapeña simula August 30 ay nabawasan nito ng P10 bilyon ang lugi ng kagawaran.

Aniya, posible sanang malampasan ng Customs ang target tax collection kung hindi dahil sa suspensyon ng trabaho dulot ng ASEAN Summit, mga transportation strike, at pananalanta ng bagyo.

Unang sinabi ni Lapeña sa umpisa ng December na kumpyansa siyang maabot ng kagawaran ang target na makokolektang buwis.

Read more...