Bagyong Jenny, hinihila ang hanging habagat
Mas lalong palalakasin ng kakapasok na bagyong Jenny sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang hanging habagat na nararanasan sa bansa.
Makakaapekto ito sa Palawan, bahagi ng Visayas, at Mindanao ang hanging Habagat na magdadala ng malakas na ulan.
Makakapal na ulap dulot ng habagat, ang kasalukuyang lumulukob sa bahagi ng Palawan, Visayas, at Mindanao, habang kumikilos si Jenny ng 95 kilometro kada oras, may layong 1,130 kilometro, silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.
Hindi naman inaasahang lalapit sa bansa, at tatama sa lupa si Jenny, upang magkaroon ng direktang epekto sa bansa.
Ngunit pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na papalaot na asahan ang malalakas na alon at makakapal na ulap sa karagatan, malapit sa 350-kilometer radius ng bagyong Jenny, partikular na sa Timog kanlurang parte ng bagyo.
Ayon naman sa pinakahuling monitor, kumikilos si Jenny, sa Kanlurang, Hilagang Kanluran patungong Timog China, sa bilis na 7 kilometro kada oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.