Compromise deal sa mga Marcos, hindi pa tinatalakay ni Duterte sa Gabinete

By Kabie Aenlle January 05, 2018 - 04:37 AM

INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Wala pang ibinibigay na utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Gabinete upang siyasatin ang isinumiteng panukalang compromise deal ng Marcos loyalist na si Atty. Oliver Lozano.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, wala pang tinatalakay ang pangulo tungkol sa usaping ito kaya wala pa siyang masasabi sa ngayon lalo’t hindi pa rin naman niya ito nakikita.

Gayunman, tiniyak naman ni Aguirre na pag-aaralan nila ito sakali mang i-atas ito sa kanila.

Ani Aguirre, obligasyon nilang gawin ito sa anumang ihahain sa kanila, pero hindi sila gagawa ng “special effort” para kunin ito, pag-aralan o mag-komento tungkol dito.

Una nang nabanggit ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na natanggap na ng kaniyang opisina ang nasabing panukala ni Lozano.

Nakasaad dito ang alok na ibibigay ang isang bahagi ng yaman ng pamilya Marcos kapalit ng pagbasura sa mga kaso laban sa kanila.

Ngunit una nang dumistansya ang pamilya Marcos mula kay Lozano, at iginiit na hindi ito otorisadong katawanin ang kanilang pamilya.

Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Att. Victor Rodriguez, mag-uusap ang pamilya sa lalong madaling panahon at magtatalaga ng isang taong kakausap kay Lozano upang itigil na ang ginagawa nito nang wala namang pahintulot mula sa kanilang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.