Sa nasabing video makikita ang mga puting lalaki na nagsasayaw nang walang pang-itaas na kasuotan sa harap ng isang Pinay.
Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malabo ang akusasyon ng vlogger na pinanggalingan ng mga footage ng Christmas party na inorganisa diumano ng embahada ng Pilipinas, dahil bukod sa wala ito sa event, hindi rin ito nakabase sa Israel.
Aminado naman ang embahada para sa kanila ang mga performance sa nasabing party ay lubhang offensive at ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon ay nakakabahala.
Paliwanag ng embahada, ang Christmas party ay inorganisa ng tatlong Filipino organization sa Haifa, isang lungsod na limang oras ang layo sa Tel Aviv kung saan matatagpuan ang embahada ng Pilipinas.
Ang mga kinatawan ng embahada sa nasabing event tulad nina Consul Reichel Quinones at Cultural Attaché Geraldine Gamoso ay nasa Haifa para dumalo sa dalawang party ng mga Pilipino doon at walang alam sa mga nakalinyang performance.
Pinagpapaliwanag na ng embahada ang mga organizer tungkol sa mahalay na show sa party sa pamamagitan ng isang liham.
Inaaksyunan na rin ng embahada ang iba pang reklamo ng Pinoy na dumalo sa nabanggit na event.
Kaugnay nito, nanawagan ang embahada na huwag magpakalat ng fake news dahil posibleng maka apekto sa imahe ng mga Pinoy sa Israel.