Philippine Embassy sa Israel, itinangging may kinalaman sila sa mahalay na performance sa isang Christmas party

By Alvin Barcelona January 05, 2018 - 04:30 AM

Hugas kamay ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa diumano’y mahalay na video at larawan ng Christmas party ng mga Pilipino sa Israel.

Sa nasabing video makikita ang mga puting lalaki na nagsasayaw nang walang pang-itaas na kasuotan sa harap ng isang Pinay.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na malabo ang akusasyon ng vlogger na pinanggalingan ng mga footage ng Christmas party na inorganisa diumano ng embahada ng Pilipinas, dahil bukod sa wala ito sa event, hindi rin ito nakabase sa Israel.

Aminado naman ang embahada para sa kanila ang mga performance sa nasabing party ay lubhang offensive at ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon ay nakakabahala.

Paliwanag ng embahada, ang Christmas party ay inorganisa ng tatlong Filipino organization sa Haifa, isang lungsod na limang oras ang layo sa Tel Aviv kung saan matatagpuan ang embahada ng Pilipinas.

Ang mga kinatawan ng embahada sa nasabing event tulad nina Consul Reichel Quinones at Cultural Attaché Geraldine Gamoso ay nasa Haifa para dumalo sa dalawang party ng mga Pilipino doon at walang alam sa mga nakalinyang performance.

Pinagpapaliwanag na ng embahada ang mga organizer tungkol sa mahalay na show sa party sa pamamagitan ng isang liham.

Inaaksyunan na rin ng embahada ang iba pang reklamo ng Pinoy na dumalo sa nabanggit na event.

Kaugnay nito, nanawagan ang embahada na huwag magpakalat ng fake news dahil posibleng maka apekto sa imahe ng mga Pinoy sa Israel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.