Retrieval process para sa recount, nais subayabayan ng kampo ni Robredo

By Justinne Punsalang January 05, 2018 - 12:30 AM

Nais ng kampo ni Vice President Leni Robredo na payagan sila at kampo ni Senador Bongbong Marcos na masaksihan ang inventory at paglilipat ng mga ballot boxes at iba pang election paraphernalia para sa isasagawang recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Sa pitong-pahinang mosyon na isinumite ng mga abugado ni Robredo noong January 3, nakasaad na mabibigyan ang mga involved parties ng pagkakataon para ma-obserbahan ang estado at kundisyon ng mga ballot boxes kung papayagan silang masaksihan ang retrieval process.

Hiling pa ng kampo ni Robredo na mapayagan silang samahan ang paglilipat ng mga ballot boxes, election documents, at iba pang election paraphernalia para masiguradong walang anumang tampering na magaganap.

Ito ay matapos payagan ng Supreme Court ang PET na magsagawa ng recount dahil sa election protest na ihinain ni Marcos.

Ngunit sa nilabas na order ng SC ay nakasaad na hindi pwedeng makita nina Robredo at Marcos ang original state ng mga ballot boxes mula sa kanilang storage.

Sa electoral protest ni Marcos, inireklamo nito si Robredo na nanalo bilang bise presidente dahil sa pandaraya.

Mahigit 200,000 boto ang inungos ni Robredo kay Marcos sa 2016 national election.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.