Premature na pagpataw ng buwis sa langis, nais paimbestigahan sa Kamara
Nais ng isang mambabatas na imbestigahan ng Department of Energy (DOE) ang ‘premature’ na pagpapataw ng buwis sa mga produktong petrolyo bago pa man tuluyang naging epektibo ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Ayon kay Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao, lalong magsasamantala ang mga kumpanya ng langis dahil sa TRAIN law at Oil Deregulation Law.
At dahil sa Oil Deregulation Law ay marami nang mga kumpanya ng langis ang nauna nang nanamantala sa mga motorista dahil sa patuloy na pagtataas ng presyo ng gasolina.
Ayon pa kay Casilao, bagaman madadagdagan ang sweldo ng mga mamamayan ay matatabunan naman ito ng ipapataw na buwis sa presyo ng mga produktong petrolyo na magreresulta naman sa mas mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hindi rin siya natuwa sa insensitibong komento ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, kung saan sinabi nito na magpa-full tank bago pa umepekto ang TRAIN. Aniya, nasabi lamang ito ni Andanar dahil hindi naman siya apektado ng mga oil price hike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.