Mga negosyante binalaan ng DTI na huwag samantalahin ang bagong tax law

By Jan Escosio January 04, 2018 - 06:50 PM

Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) na isumbong ang mga magsasamantalang negosyante na nagtaas na ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na hindi pa dapat tumataas ang presyo ng mga produkto o bilihin dahil base sa kanilang monitoring may mga stocks pa ang mga manufacturers.

May kaugnayan ito sa pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (Train) Law.

Giit ng kalihim sa kanilang pagtataya ang mga stocks ng karamihan sa mga bilihin ay aabot ng hanggang tatlong linggo ngayon buwan

Sinabi pa ni Lopez binaha sila ng mga tawag ng mga nagtatanong at humihingi ng paliwanag ukol sa epekto sa presyo ng mga bilihin ng bagong tax reform package, maging ng excise tax na direktang may epekto sa presyo ng mga produktong-petrolyo at soft drinks.

Kasabay nito, nagpakalat na ang kagawaran na ang mga monitoring teams para alamin kung tumaas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa bagong batas sa buwis.

Pinag-aralan na rin ng DTI ang magiging epekto ng excise tax sa mga bilihin base sa Republic Act 10963 o Train Law.

Sa unang pagpapatupad ng bagong batas, inilabas na ng DTI ang magiging pagtaas sa presyo ng ilan mga pangunahing bilhin, gaya ng gatas, kape, mga de lata, instant noodles, tinapay, pandesal, sabon at semento.

Sa magiging bagong Suggested Retail Price o SRP ng mga nabanggit na produkto, ang pinakamababang pagtaas ay wala pang isang sentimo at ang pinakamataas naman ay P1.57 sa kada bag ng semento.

Samantala, sa krudo o diesel naman at fuel oil ay hanggang P2.50 kada litro ang magiging pagtaas dahil sa excise tax at P1 naman sa liquified petroleum gas o LPG.

Sinabi pa ni Lopez ang mga magtataas na ng presyo ng kanilang mga ipinagbibiling produkto base sa excise tax o Train Law hanggang sa ikatlong linggo ng Enero ay maaring kasuhan ng ‘profiteering.’

Hinihikayat niya ang publiko na may reklamo o sumbong ukol sa pagtaas na ng presyo ng mga bilihin na tumawag sa kanilang hotlines.

TAGS: dti, Ramon Lopez, Train, dti, Ramon Lopez, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.