Selective campaign ng gobyerno sa katiwalian binatikos ni Lacson

By Ruel Perez January 04, 2018 - 04:09 PM

Pinuna ni Senador Panfilo Lacson ang umano’y selective na pagsibak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal nito na sangkot sa katiwalian at maluhong pamamahala sa kanilang mgha posisyon.

Sa kanyang post sa kanyang twitter account ang katagang ” To one corrupt official you are fired, to another corrupt official you’re hired”.

Mistulang tinutukoy ni Lacson sa nabanggit na post si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon na isinasangkot sa katiwalian sa at ang paglusot ng P6.4 Bilyon na shabu shipment.

Kamakailan ay itinalaga ng pangulo si Faeldon bilang deputy administrator ng Office of Civil Defense habang nakapiit pa rin ito sa Senado dahil sa patuloy na pagtanggi na dumalo sa pagdinig ukol sa P6.4 Billion shabu shipment.

Magugunita na sinibak ng pangulo ang dating Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Terry Ridon dahil sa madalas na pagbiyahe nito sa ibang bansa.

Kanina ay inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagsibak ng pangulo kay Maritime Industry Authority Chief Marcial Amaro dahil sa kanyang madalas na foreign trips.

TAGS: corruption, duterte, Faeldon, lacson, selective, corruption, duterte, Faeldon, lacson, selective

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.