7 patay sa sumabog na bala ng mortar sa Zamboanga Del Norte

By Den Macaranas January 04, 2018 - 03:28 PM

Police banner

Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa naganap na mortar explosion sa Sirawai, Zamboanga Del Norte Miyekules ng gabi.

Sinabi ni Zamboanga Del Norte Police Director S/Supt. Raul Tacaca na naganap ang pagsabog ganap na 10:30 ng gabi sa loob ng isang bahay sa Dacon plantation sa Barangay Guban.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad ay may napulot umanong mortar shell ang isa sa mga trabahador sa nasabing kumpanya.

Iniuwi umano ng nasabing trabahador ang kanyang napulot na bala ng mortar sa kanilang bahay.

Sinabi ng mga imbestigador na posibleng pinakialaman ang naturang mortar shell na naging dahilan ng pagsabog nito na nagresulta rin sa pagkasugat ng anim na iba pa.

Ipinagbigay alam ng isa sa mga supervisor ng Sirawai Plywood Lumber Corporation ang pangyayari sa himpilan ng pulisya kung saan ay mabilis na rumesponde ang mga pulis at dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

TAGS: dacon corp, mortar, sirawai, zamboanga del norte explosion, dacon corp, mortar, sirawai, zamboanga del norte explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.