Militar tutulong na rin sa war on drugs ng pamahalaan

By Cyrille Cupino January 04, 2018 - 03:25 PM

Inquirer file photo

Kasali na rin sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan ang Joint Task Force ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang inihayag ng bagong talagang pinuno ng JTF-NCR na si Brig. Gen. Allan Arrojado matapos ang turnover of command ceremony sa Camp Aguinaldo.

Ayon kay Arrojado, pangunahing papel ng JTF-NCR ang pagbibigay ng intelligence information.

Paliwanag ni Arrojado, mahusay ang intelligence gathering capability ng militar at ang mga makukuha nilang impormasyon ay ipapasa sa Philippine National Police at PDEA,na lead agency sa war on drugs campaign.

Aniya, sa ngayon ay limitado lang ang kanilang partisipasyon sa pakikipag-coordinate sa dalawang ahensya pero kung darating ang panahon na kailanganin ang mas malaki nilang papel sa war on drugs ay handa ang JTF-NCR na tugunan ito.

TAGS: AFP, duterte, jtg, NCR, War on drugs, AFP, duterte, jtg, NCR, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.