5 hinihinalang drug personalities, napatay sa loob ng isang buwan sa pagbabalik ng PNP sa war on drugs

INQUIRER FILE PHOTO

Sa pagbabalik ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, limang drug personalities na ang napatay sa anti-drug operation sa loob ng isang buwan.

Batay sa datos ng PNP mula December 5, 2017 hanggang January 4, 2018, lumalabas na kabuuang 708 na anti-drug operation ang naikasa na ng PNP.

Sa nasabing bilang, 1,096 na hinihinalang drug personalities ang naaresto.

Bukod dito, nakapagsagawa na din ang pulisya ng siyam na “tokhang activities”, at sampu dito ang boluntaryong sumuko.

Lumabas din sa datos ng PNP na isang pulis ang napatay sa operasyon habang isa naman ang sugatan.

Wala naman naitalang patay o sugatan sa panig ng Armed Forces of the Philippines.

Read more...