Halos 4,000 pamilya, ramdam pa rin ang epekto ng Bagyong Agaton
Nakalabas na ng bansa ang bagyong Agaton ngunit nasa halos apat na libong pamilya pa ang patuloy na nararamdaman ang epekto nito.
Ito ay base sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD officer-in-charge Emmanuel Leyco, ang mga apektadong pamilya ay sa Regions 6, 7, 10 at Caraga.
Ang mga ito aniya ay patuloy na inaayudahan ng gobyerno sa limampu’t anim na evacuation centers.
Tiniyak din ni Leyco na may sapat silang suplay ng relief goods kung kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon aniya, maging ang mga nasalanta ng mga bagyong Urduja at Vinta ay patuloy pa rin nilang binibigyan ng tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.