Handang tumestigo laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang anim na iba pang mahistrado ng Korte Suprema sa susunod na pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Rey Umali, dahil sa nasabing bilang ng mga mahistrado na handang tumestigo, nagpapakita lamang ito na marami ang hindi kuntento sa pamumuno ni Sereno sa Korte Suprema.
Kabilang sa mga inaasahang haharap sa pagdinig ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Justices Lucas Bersamin, Samuel Martires, Mariano del Castillo, at Andres Reyes.
Posible din dumalo sa pagdinig si Senior Associate Justice Diosdado Peralta.
Nauna nang tumestigo laban kay Sereno sina Associate Justices Noel Tijam, Francis Jardeleza, Teresita Leonardo De Castro at si retired justice Arturo Brion.
Magbabalik ang sesyon ng Kamara sa January 15.