Inside job, tinitignan ng mga imbestigador sa panloloob sa isang hotel sa Pasay City
Hindi isinasantabi ng National Capital Region Police Office ang posibilidad na inside job ang naganap na pagnanakaw sa isang hotel sa Pasay City noong nakaraang Martes.
Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ikinokonsidera ng mga imbestigador ang kahina-hinalang galaw ng mga security guard sa hotel.
Aniya, kwestyunable kung bakit alam ng mga ito na alas tres ng madaling araw papasukin ang nasabing hotel.
Bukod dito, alam din aniya ng mga security guard na sa ganoong oras ipinapasok ang pera sa vault o pini-pick up ng armored truck.
Dagdag ni Albayalde, hindi pa nila makumpirma kung ang naganap na panloloob sa hotel ay kagagawan ng isang sindikatong grupo.
Noong Martes, nilooban ng apat na armadong lalaki ang Mabuhay Manor Hotel in Pasay City at tinangay ang P33,000 na halaga ng kita.
Binisita naman ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa ang nasabing hotel, at doon nabatid na kulang sila sa security personnel at armas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.