Pinay, pinaniniwalaang biktima ng murder-suicide sa California

By Mariel Cruz January 04, 2018 - 10:29 AM

Photo: Blessel Ong’s FB account

Isang Pinay ang kumpirmadong biktima ng tila ay murder-suicide sa San Gabriel Valley, Southern California.

Mismong ang pamilya at mga kaibigan ang kumilala sa biktima na si Blessel Ong, 25 years old.

Pinaniniwalaang sinaksak hanggang sa mamatay ang biktima ng kanyang asawang si Albert Ong, 49 years old, gamit ang isang kitchen knife.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima at ang suspek sa kanilang tirahan, isang araw matapos ang Pasko.

Napag-alaman din ng mga imbestigador na mayroong history ng domestic violence ang mag-asawa.

Ngayon ay nagtutulong-tulong na makapag-ipon ng pera ang pamilya at mga kaibigan ng biktima para maibalik na sa Pilipinas ang kanyang mga labi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.