LOOK: Mga isasarang kalsada at alternatibong ruta para sa prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno
Inabisuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga motorista na dumadaan sa Maynila na gumamit ng alternatibong ruta sa January 7.
Ito ay dahil sa isasagawang prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno.
Sa inilabas na abiso ng MDTEU, nakasaad na tatlong kalsada ang isasara sa darating na Linggo bilang paghahanda sa prusisyon ng mga replica na magsisimula bandang alas dos ng hapon.
Narito ang mga isasarang kalsada simula alas onse ng umaga ng Linggo:
– Southbound lane ng Quezon Boulevard (Quiapo), mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda.
– Eastbound lane ng CM Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street.
– Westbound lane ng Espana Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma St.
Magsisimula ang nasabing prusisyon sa Plaza Miranda bago kumaliwa sa Quezon Boulevard hanggang sa makarating sa Quiapo Church.
Lahat ng mga sasakyan na magmumula sa España Boulevard na patungong Roxas Boulevard, South Pier Zone, o Taft Avenue, ay inaabisuhan na kumanan sa P Campa at diretso sa Fugoso Street.
Ang mga motorista naman na magmumula sa A. Mendoza patungong Quezon Boulevard at kailangan kumanan sa Fugoso Street, at kaliwa sa Rizal Avenue.
Ayon pa sa MDTEU, lahat naman ng mga sasakyan na galing sa Divisoria at patungong CM Recto ay inaabisuhan na kumanan sa Rizal Avenue.
Habang ang mga motorista naman na dumadaan sa S.H Loyola Street na galing sa Balic-balic at patungong Quiapo at maaaring kumanan sa CM Recto Avenue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.