Bahay ng mag-asawang Clinton sa New York, nasunog

Photo: Associated Press

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagkasunog ng bahay ni dating US President Bill Clinton at presidential candidate Hillary Clinton sa Chappaqua, New York.

Naiulat ang sunog bandang alas dose singkwenta ng hapon na pinaniniwalaang nagsimula sa isang kuwarto ng bahay na nasa Number 15 Old House Lane.

Wala namang napaulat na nasaktan sa pangyayari at hindi pa tiyak kung nasa loob ng bahay ang mag-asawang Clinton.

Mabilis namang naapula ang sunog kasunod ng maagap na pagresponde ng New York Fire Department.

Ang bahay na mayroong limang kuwarto ay binili ng mag-asawang Clinton noong 1999 sa halagang 1.7 million dollars.

Read more...