Ayon kay Pasay City police spokesperson Supt. Gene Licud, kahina-hinala kasi ang mga naging kilos ng gwardya bago mangyari ang insidente.
Base kasi sa CCTV footage, hawak ng gwardya ang kaniyang cellphone na tila nagte-text habang panay ang pag-lingon sa mga guests at sa kabuuan ng hotel.
Ganito aniya ang napansin nila sa gwardya bago mangyari ang nakawan hanggang sa puntong dinisarmahan na siya ng mga magnanakaw.
Samantala, nangako naman ang pamunuan ng Mabuhay Manor na makikipagtulungan sila sa mga otoridad sa imbestigasyon.
Matatandaang P33,000 na halaga ng kita ng hotel ang ninakaw ng mga suspek pati na ang pera at personal na kagamitan ng guest na si Dominador Gomez.