Guard ng Mabuhay Manor, damay na rin sa imbestigasyon sa naganap na nakawan

By Kabie Aenlle January 04, 2018 - 03:57 AM

Ibinunyag ng Pasay City police na kasama na sa kanilang mga iimbestigahan ang security guard ng Mabuhay Manor matapos ang naganap na nakawan sa nasabing hotel noong Martes.

Ayon kay Pasay City police spokesperson Supt. Gene Licud, kahina-hinala kasi ang mga naging kilos ng gwardya bago mangyari ang insidente.

Base kasi sa CCTV footage, hawak ng gwardya ang kaniyang cellphone na tila nagte-text habang panay ang pag-lingon sa mga guests at sa kabuuan ng hotel.

Ganito aniya ang napansin nila sa gwardya bago mangyari ang nakawan hanggang sa puntong dinisarmahan na siya ng mga magnanakaw.

Samantala, nangako naman ang pamunuan ng Mabuhay Manor na makikipagtulungan sila sa mga otoridad sa imbestigasyon.

Matatandaang P33,000 na halaga ng kita ng hotel ang ninakaw ng mga suspek pati na ang pera at personal na kagamitan ng guest na si Dominador Gomez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.