Ito ay upang bigyang daan ang nakatakdang ‘Traslacion’ o prusisyon ng Poong Itim na Nazareno na inaasahang dadaluhan ng 19 milyong deboto.
Nilagdaan ni Estrada ang Executive Order (E.O) No. 01 kung saan nakalagay ang suspensyon ng pasok sa lahat ng unibersidad, kolehiyo at mga paaralan maging sa mga opisina ng pamahalaang panlungsod.
Ayon sa alkalde, ang naturang suspensyon ay para sa kaayusan at kaligtasan ng publiko sa naturang araw at maiwasan din ang pagsisikip ng trapiko.
Gayunpaman, nakasaaad din sa E.O na ang suspensyon naman sa pasok sa mga tanggapan ng pambansang gobyerno maging ng mga pribadong opisina ay nasa diskresyon ng mga pinuno nito.
Sa nakabukod namang advisory, inanunsyo na rin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pasok sa Korte Suprema, Court of Appeals at Trial Courts ng First and Second level sa lungsod ng Maynila.
Inaasahan kasi ng SC ang magiging hirap sa pagbiyahe patungo at paalis sa mga korte ng lungsod sa naturang araw.