Duterte at Indonesian envoy, nagpulong sa Davao

 

Sa Davao City unang ginugol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang araw ng pagtatrabaho para sa taong ito.

Sa presidential guesthouse sa Camp Panacan, tinanggap ng pangulo si Indonesian Foreign Minister Rethno Marsudi para sa isang pagpupulong.

Sa kanilang pag-uusap, nagkasundo ang dalawa na ipagpapatuloy ang kampanya kontra terorismo sa pagitan ng dalawang bansa.

Nangako rin ang dalawang lider na paiigtingin ang kooperasyon sa larangan ng komersyo at kalakalan.

Ayon sa statement na inilabas ng Malacañang, palalakasin ng Indonesia at Pilipinas ang maritime security sa tinatawag na ‘Philippine backdoor’ upang hindi makalusot ang mga bandido at terorista sa naturang lugar.

Read more...